Sino ang Bayani?

bayaniMarami na ang nasabi tungkol sa 13th month pay. May mga pabor kay Marcos at may mga pabor sa mga Aquino. Ngunit tila may nakaligtaan ang parehong panig. Basahin hanggang dulo bago magkomento.

Ang 13th month pay ay minungkahi at inakda ni Zoilo de la Cruz, isang abogado galing Bacolod. Ito ay nilagdaan at isinabatas ni Ferdinand Marcos bilang Presidential Decree (PD) No. 851 noong December 16, 1976. Kung mapapansin, ito ay tinawag na Presidential Decree at hindi Batas Pambansa o Republic Act dahil ito ay isinabatas noong panahon ng diktadurya — panahon na tanging ang Pangulo ang may kapangyarihan na magsagawa ng batas dahil ipinasara nya ang Kongreso. 

Ayon sa PD 851, lahat ng manggagawa na kumikita ng hindi hihigit sa P1,000.00 bawat bwan, kahit ano ang katangian ng trabaho, ay dapat bigyan ng 13th month pay.

Matapos ang People Power Revolution, iprinoklama ang Freedom Constitution kung saan ang Pangulo ay patuloy na magsasagawa ng mga batas hanggang sa ang Kongreso ay maihalal at magtipun-tipon sa ilalim ng bagong Saligang Batas.

Sa bisa ng nasabing Freedom Constitution, binago ni Corazon Aquino ang pamantayan ng PD 851 sa pamamagitan ng Memorandum Order (MO) No. 28 kung saan itinakda na lahat ng “rank-and-file” na mga manggagawa ay dapat bigyan ng 13th month pay. Sa madaling salita, tinanggal ang kondisyon na para lamang sa mga manggagawa na hindi kumikita ng P1,000 bawat bwan ang 13th month pay.

Noong 2014, ipinasa ng Kongreso at nilagdaan ni Benigno Aquino III ang Republic Act (RA) No. 10653 kung saan itinaas ang tax exemption ceiling ng mga bonus at 13th month pay mula P30,000.00 hanggang P82,000.

Kabayan, ito ang pinakamahalaga:

Mula PD851 hanggang MO 28 at RA 10653, ang 13th month pay ay ginagawad para sa mga “rank-and-file” na manggagawang Pilipino na nagtrabaho sa loob ng taon ng pagkakaloob.

Ang 13th month pay ay hindi abuloy kundi umento. Hindi bigay kundi pinaghirapan. Kaya kahit ang isang anti-Marcos ay may karapatan sa 13th month pay gayonlamang sa isang anti-Aquino kahit pa ang 13th month pay ay ibigay na tiglilimandaan (may mukha nila Ninoy at Cory, dilawan!)

Sino nga ba ang bayani: si Marcos o si Aquino? O ang uring mangagawa na patuloy na nakikipagdigma laban sa kahirapan at kawalan ng hustisya?

***

With contribution from Atty. Nes Patrick K. Señor. Readers are encouraged to conduct their own fact-checking.

A Call for Referendum

When we continuously protest against the burial of Ferdinand Marcos at the Libingan Ng Mga Bayani even after the Supreme Court dismissed the petitions seeking its inhibition, we are neither disregarding the rule of law nor disrespecting the high court; we are actually heeding it.

The Supreme Court did not say that Marcos is a hero. It simply said that no grave abuse of discretion was committed by the President because no law prohibits the burial of Marcos at the heroes’ cemetery; in as much as the issues involved are moral and political, not legal. In fact, Justice Brion said in his concurring opinion that majority of the justices merely exercised “judicial restraint.”

Thus, we continue to shout for the voiceless victims of oppression because the Supreme Court itself said that it is not the proper judge of the issue. We respect, and ought to respect, the Supreme Court and the rule of law in as much as we must uphold the bedrock of our democracy: sovereignty resides in the People (including the lost, the last and the least).

Hindi ang Pangulo, hindi ang Kongreso, hindi ang Korte Suprema kundi ang taumbayan ang dapat magpasya sa anumang bagay na magbabago sa ating pagkakakilanlan bilang Pilipino.

As suggested by the late Senator Miriam Defensor-Santiago, submit the issue to a referendum. Let the people decide once and for all whether we should #MoveOn or we should #NeverForget.

Dahil hindi ba dapat merong tamang closure para humilom ang malalim na sugat? But then again, some wounds never heal.

The Final Arbiter

In our judicial hierarchy, the Supreme Court reigns supreme. It has, after all, the last word on what the law is; it is the final arbiter of any justiciable controversy (DBP v. NLRC, 242 SCRA 59).

We may then ask, can a decision of the Supreme Court, like the one which allows the burial of Ferdinand Marcos at the Libingan ng mga Bayani, still be overturned?

The answer is yes. Let me count the ways.

First. The Supreme Court may reverse itself upon motion for reconsideration, a remedy provided under the Rules of Court. Thus, in cases like the League of Cities v. COMELEC, the Supreme Court, upon subsequent motions for reconsideration, reversed itself: THRICE.

Second. The Supreme Court, in succeeding cases, may overturn its own decision. A good example that many are familiar with is the case of Morales v. Court of Appeals where the Supreme Court abandoned the so-called Aguinaldo doctrine, a principle that effectively extinguishes an elected official’s administrative liabilities from wrongdoing in his previous term by virtue of re-election.

Third. A decision of the Supreme Court may cease to be effectual when an act of Congress or the Executive renders the basis for the said decision nugatory. This is specially true when the basis of the Supreme Court is the absence of a law; such as when the Supreme Court rejected the defense of Battered Women Syndrome (BWS) in the case of People v. Genosa even if their “hearts empathize with recurrently battered persons, [for they] can only work within the limits of law. [The Supreme Court] cannot make or invent them. Neither can [they] amend the [law].” The case of Genosa helped pave way for the passage of the Violence Against Women and their Children Act (VAWC) which recognized BWS as a legal defense notwithstanding the absence of any of the elements for justifying circumstances under the Revised Penal Code. Effectively, the decision of the high court in Genosa was superseded by the passage of VAWC.

Fourth. The decision of the Supreme Court may be overturned by the source of its authority: the people. As enshrined in our Constitution, “The Philippines is a democratic and republican State. Sovereignty resides in the people and all government authority emanates from them.”

Thus, in 1973, the Supreme Court dismissed the ratification cases in Javellana v. Executive Secretary only to be overturned by the sovereign Filipino people in 1986.

Pinoy Movie Lines for Lawyers

Lawyers seem to have developed a language of their own. Legalese gives lawyers a certain dramatic mystique that can be interesting, intimidating or down right annoying. But what if lawyers do away with the legal jargon and use famous pinoy movie lines in their legal practice? Here’s a list which may help.

When the witness gives unreponsive answers: Huwag mo ako bigyan ng ka-bulshitang sagot! Marami akong trabaho inuubos mo ang oras ko! The least I expect, bigyan mo ko ng sagot ng hindi galing diyan kundi galing dito! -Claudine Baretto, Got to Believe in Magic (2002)
When a senior lawyer makes an issue out of your youth: Ang problema sa ‘yo, maaga kang ipinanganak! -Sharon Cuneta, Kahit Konting Pagtingin (1990)
When you make a continuing objection: Pinuno mo na ang salop! Dapat ka nang kalusin! -Fernando Poe Jr., Kapag Puno na ang Salop (1987)
When your witness suddenly disappears: May mga maswerteng tao na nahanap na yung taong para sa kanila. May mga taong patuloy na naghahanap at may iba na sumuko na. Pero yung pinakamasaklap eh yung na sayo na pinakawalan mo pa. -John Lloyd Cruz, My Amnesia Girl (2010)
When the opposing counsel invites you to a duel outside the court: Kung saan, kailan, at paanong labanan, magpasabi ka lang. Hindi kita uurungan! -Sharon Cuneta, Dapat Ka Bang Mahalin (1984)
When the accused points to someone else as the culprit: Si Val! Si Val! Puro na lang si Val! Si Val na walang malay! -Vilma Santos, Saan Nagtatago ang Pag-Ibig (1987)
When the opposing party hates you for defending the client you also hate: Kung alam mo lang! -Judy Ann Santos, Kung Alam Mo Lang (1996)
When your opposing counsel is beautiful: Ok lang kaya kung ligawan kita? Can you please give me one […] chance to love you? Please? -Rico Yan, Dahil Mahal na Mahal Kita (1998)
When your beautiful opposing counsel moves for continuance: No pressure! And kiss me and don’t you dare fall in love with me. -Anne Curtis, No Other Woman (2011)
When you shakehands with the opposing counsel after a heated argument: Walang personalan, trabaho lang. -Rudy Fernandez, Markang Bungo (1991)
When you do not have evidence to support your allegation: Mayroong mga bagay na hindi natin dapat makita, pero dapat paniwalaan. -Jacklyn Jose, Pedrong Palad (2000)
When the judge is late: May mga tao talagang naghihintay. -Judy Ann Santos, Don’t Give Up On Us (2006)
When you present a hostile witness: Hindi mo sya kailangan, kailangan ko sya! -Angelica Panganiban, A Love Story (2007)
When your motion for production of evidence is denied: Hindi pala naibibigay ang kaligayahan, hindi ito nahahanap sa ibang tao. -Claudine Baretto, Milan (2004)
When your motion is denied: Rejection is the greatest aphrodisiac! -Eugene Domingo, Kimi Dora: Kambal sa Kiyeme (2009)
When you have to attend the MCLE: I already gave five years of my life its about time you give me what I want. -Bea Alonzo, One More Chance (2007)
When the adverse witness responds to your question with a damning answer: Kagustuhan ko naman ito di ba? Bakit ako ang nasasaktan ng sobra? -Bea Alonzo, One More Chance
When you are cross examining an expert witness: Para kang tae… Di kita kayang paglaruan. -John Lloyd Cruz, One More Chance (2007)
When the question is already asked and answered: Alam mo ‘yung sinabi ni F. Scott Fitzgerald? There are all kinds of love in this world, but never the same love twice. -JM De Guzman, That Thing Called Tadhana (2015)
When the witness denies the existence of something: Akala mo lang wala… pero meron! Meron! Meron! -Carlo Aquino, Bata, Bata, Paano ka Ginawa? (1998)
When the witness is trying to explain his answer during cross-exam: You don’t have to explain it’s ok, hindi ba sabi mo hindi… ‘Wag ka na magpaliwanag. -Toni Gonzaga, You are The One (2006)

Law Students’ Rules

1. Be a disciplined student. Disobedience dishonors your school and yourself and causes unnecessary suffering; far from weakening the rival school’s to fight, it often strengthens it.
2. Know that your enemy is not your professor nor your classmate.
3. Answer no more than what the question requires.
4. Never discourage your juniors.
5. Care for your schoolmates, be they friend or foe.
6. Treat all people (that includes janitors, security guards, university support staff) with humanity.
7. Never inflict physical or mental torture to anyone, including yourself; if you are tired, take a rest.
8. Do not be hostage of a past failure or a past success.
9. Abstain from all acts of vengeance.
10. Respect all persons and property.
11. Share your resources: samplex, audio codals, compiled lecture notes.
12. Endeavor to prevent any breach of the above rules. Every breach of these Rules is punishable under the Law of Karma.

(Adapted from The Soldier’s Rules, L.C. Green, The Contemporary Law of Armed Conflict, Manchester University Press, [1993])

The Indispensable Right

What do you think is the most important and indispensable right of a citizen under the Constitution? (A Question from the Law Review Application Exam)

I would like to believe that the most important and indispensable right of a citizen under the Constitution is the right to life for without it there is nothing to speak of. Then I come to the thinking, what is life without liberty? A slave, while living, is dead.

It is therefore the right to liberty, I thought. Then came the question: what is a free life without having to own anything? The pauper, the beggar…they have a free life. But while their soul may be blessed, they are damned. They are suffering the wrath of hell while they are still on earth.

Is is therefore the right to property? Rich men are free and they can own anything they want. But what if they die?

The fundamental rights under the Constitution are interrelated and interdependent. Deprive a man any of these rights and you give him a life he would rather loose. While begging grammatical acceptance since the superlative most can only refer to one, each right is the most important and the most indispensable.

‘Di Bale ng Bokya

Ang pag-aabugasya ay may  kaakibat na matinding  hinagpis at pighati. Sinumang tumatahak ng landas na ito ay kailangan magsakripisyo. Kelangan supilin ang anumang kalabisang kagustuhan na makakasagabal sa pag-aaral. Hindi ito tulad ng sa kolehiyo o sa mataas na paaralan na pwedeng magpapepetik- petiks lang at habulin na lamang ang anumang hindi napag-aralan bago sumapit ang mga takdang pagsusulit. Sa larangang ito, mas nanaig ang konsepto ni John Locke na tabula rasa blank slate kesa sa innate knowledge na sinasabi ni Rene Descartes. 

Sino nga ba ang hindi nag-aral ng batas na kayang ipaliwanag, halimbawa, kung bakit immovable ang mga higaan sa Victoria Court o Sogo Hotel samantalang ito’y madaling maililipat ng kinalalagyan? Na sa uyog at indayog ng mga katawan ng mga magsin- irog (o mga hindi tunay na magkakakilala) na hayok na hayok na isalin ang enerhiya ng kanilang mga pagmamahal (o kung anu man ang tawag dun) sa isa’t isa, ang mga bagay na ito ay natatanyog.

Ang sinumang nag-aabugasya, kapag hindi nag-aral, o mas masaklap ay nag-aral ng mabuti, ay nakararanas ng inevitable na kung tawagin ay bokya, kodak moment, o shotgun/ domino. Ang mga salitang ito ay napagpapalit-palit ng gamit pero ito ay may teknikal na pagkakaiba. Kung sa asignaturang Statutory Construction, parang mga salitang interpretation at construction. Pwede mong ipagpalit ang bawat isa ngunit ang isa ay may ibig sabihin na iba sa isa.

Ang bokya sa law school ay ang pagkakataon kung saan ang isang estudyante ay sumagot ng tama para sa maling tanong o nagbigay ng sagot na sadyang mali. Ang kodak moment naman ay ang pagkakataon kung saan ang isang estudyante ay tumayo at ngumiti lang sa propesor dahil walang maisagot. Ang shotgun/domino naman ay ang pagkakataon kung saan sunod-sunod ang mga natatawag ng propesor pero walang makasagot. Wari mo’y nasa firing range na lahat ng estudyante ay target ng sharpshooter na ey-ti-ti-way at lahat ay natutumba sa ayos na parang mga domino. Ang shotgun/domino ay madalas mangyari kapag nagtanong ang propesor ng wala sa takdang aralin (e.g. Assignment pages  100-200. Question is on page 250), mali ang pagkakasaad ng tanong, o di kaya sadyang institusyon na ng paaralan ang propessor na nagbibigay ng hindi mo maiisip na mga tanong, at kapag binigay na niya ang sagot, marami ang kaakamot sa ulo, sabay sabing: ‘oo nga noh‘ o di kaya ay ‘yun lang pala yun‘.

Kaya kapag hindi nakapag-aral, o kahit nag-aral man, ang dasal ng bawat nag-aabugasya ay sana walang pasok, o di kaya ay may ceasefire. Ang ceasefire ay ang pagkakataon kung saan walang recitation at kung sobrang swerte ng klase, ang propesor pa ang magtatalakay ng takdang aralin na nawa’y parang isang tape recorder na sasabihin lahat ng mga nasa libro. (Flashback:  San Beda Law 1K A.Y. 2009-2010 nagpaceasefire sa Constitutional Law. Atty. AG tinalakay lahat ng nasa libro nina Justice Nachura, Justice Cruz at Fr. Bernas. walang dalang libro si Idol!).

May mga pagkakataon na kailangan maging isang artista. Hindi upang umarte kundi para maging bida sa sariling bersyon ng Mission Impossible– hindi ito isang eksaherasyon. Pa’no mo ipagkakasya sa isang araw ang pagbabasa ng isang daang pahina ng libro (bawal ang basang komiks; at minimum yan), at mga napakahabang kaso. Minsan maiinis ka sa mga tao na nasa likod ng iyong kaso na binabasa dahil kelangan pa nilang magdemandahan sa simpleng away na pwede naman sanang pag-usapan. At kung pinag usapan na lang nila, ay sana wala kang binabasang kaso. Naalala ko tuloy ang pakialamerong si Estrada. Dahil sa pagpuna nya sa buhay pag-ibig ni Escritor, nailathala ang isang napakahabang kaso: Estrada vs. Escritor.

Pag sobrang swerte mo pa, itatanong sa’yo ang mga detalye tulad ng kung sino ang ponente (nagsulat ng kaso). Kung hanggang kaibuturan ang iyong kamalasan, itatanong pa sa’yo ang plate number ng get  a way car, o ang brand ng sabon na ninakaw. (Segue: anung pagkakaiba ng Ultra Tide sa Tide Ultra?)

Kailangan din isaulo ang codal provisions na malamang ay ginawang leisure writing ng mga may akda,  na sa sobrang haba ay pwede ng isali sa essay writing contest. Bago mo sabihin na yakang-yaka naman pala, sa isang asignatura pa lang yan parekoy!

Kaya lahat ng Santo na madadaanan, lalapitan upang humingi ng tulong: pwede bang walang pasok?

At dahil sobrang pinagpala may mga maririnig na mga tunog na mahalimuyak sa pandinig.

*Kulog* *Kidlat* *Hangin* * Ulan*

L1: Pare kanina signal number one na.
L2: Mamaya signal number 3 na yan.
L1: Sana!
—–

*Bagyo*

Unos lamang ang kayang magpatigil ng pasok sa law school– isang bagay na maging ang mga santo ay hindi kayang gawin, dahil may mga propesor na pumapasok pa rin bagamat may misa na ipinagdaraos. Unos lamang ang kayang magsalba ng panandalian sa mga utak na balisa, na naghahangad ng kunting kalinga’t pahinga. Ito ay isang swerte para sa mga mag-aaral. Isang swerte para sa iilan, na kamalasan ng nakararami.

Ilang Pilipino ang sadlak sa dusa…sa kahirapan…sa kapabayaan ng lipunan? Ilang Pilipino ang hindi kayang matulog habang may dumadaang bagyo sa pangamba na anumang oras ay pwedeng bumaha, liparin ang bubong ng kanilang bahay o tangayin ni inang kalikasan ang mismong buong bahay, yun ay kung meron man silang bahay. Marahil, may iilan na ring mga burgis na nauunawan ang ganitong mga pangamba dahil maging sila ay  na-Ondoy, na-Milenyo  o na-Reming.

Dapat nga bang hilingin na walang pasok para lamang hindi mabokya? Kung unos ang sagot sa hiling na ito, ‘di bale na lang. Mas madaling atimin ang isang bokya kesa makita ang maraming tao sa isang sitwasyong walang sinuman ang nais makaranas.

Ang problema ng mga nag aabugasya ay kung panu maaaral ang mga batas. Ito ay sabaw kung ihahalintulad sa suliranin ng iba- kung panu mabuhay sa masalimoot na lipunang ginagalawan.

EPILOGUE
Pagkatapos ng isang bokya…nagmuni-muni sabay sabi sa sarili: pwede bang pagsaluhan na lang ng mundo ang aking pighati? Buhos na ulan mundo’y lunuring tuluyan.